MAYOR MATRO: “MAYAMAN O MAHIRAP, NASA PUBLIC O PRIVATE SCHOOLS, LAHAT NG MAG-AARAL SA TANZA MAY P1,000 ALLOWANCE

TANZA, Cavite — Walang pinipiling mag-aaral, public man o private school, sa pagbibigay ng student allowance ang pamahalaang bayan ng Tanza, ayon kay Mayor SM Matro.

Ito ang binigyang-diin ng alkalde sa kanyang pagbisita sa isang komunidad sa bayan, kung saan ipinaliwanag niya na lahat ng kwalipikadong mag-aaral ay maaaring makatanggap ng ₱1,000 na allowance.

Ayon kay Mayor Matro, mahigit 80,000 mag-aaral sa buong Tanza ang nag-apply para sa programa. Dalawang beses naman itong ipagkakaloob na hahatiin sa loob ng isang school year.

Binigyang-diin din ng alkalde ang pasasalamat sa mga taxpayer na tumutulong upang maisakatuparan ang mga programang pang-edukasyon ng lokal na pamahalaannat sa pakikipagtulungan ng bawat barangay.

Layunin ng programa na makatulong sa mga gastusin ng mga mag-aaral at masuportahan ang kanilang pag-aaral, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay o paaralang pinapasukan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading