Online Boyfriend, Naglaho Kasabay ng Bag; Gadgets, Naibalik sa Tulong ng Pulis at Riders sa General Trias

GENERAL TRIAS, Cavite — Isang 20-anyos na babae mula Quezon City ang nakaranas ng panghahamak kung saan tinangay ang kaniyang mga gamit matapos makipagkita sa kanyang nakilalang online boyfriend sa General Trias, Cavite noong Setyembre 14, 2026.

Ayon sa ulat, nagkita ang dalawa sa isang mall area sa Barangay Pasong Camachile bago sumakay sa motorsiklo ang babae kasama ang lalaki.

Sa gitna ng biyahe, pinababa umano ang babae malapit sa Crossing Tejero at kalaunan ay nawala ang lalaki kasama ang bag na naglalaman ng dalawang cellphone at wallet.

Agad humingi ng tulong ang biktima sa pulisya, na nakipagtulungan sa mga motorcycle riders upang mahanap ang mga gamit.

Sa koordinasyon ng mga awtoridad, naibalik ang bag sa pamamagitan ng delivery service at ligtas na naihatid pauwi ang biktima sa Quezon City.

Source: Cavite News Network

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading