MAYOR MATRO; MAS MABILIS NA PAGKUHA NG ID PARA SA MGA SENIOR, SOLO PARENT, PWD AT IBA PANG SERBISYO PATULOY NA MARARAMDAMAN NG BAWAT TANZEÑO
TANZA, Cavite — Hindi lamang medical mission at cash assistance ang ginagawa ni Mayor SM Matro sa Tanza, kundi pati ang mas mabilis na pagproseso at pagkuha ng mga dokumento at identification card (ID) para sa mga Tanzeño.
Kabilang sa mga on-the-spot na serbisyo ay ang mapadali ang pagkuha at pagproseso ng Senior Citizen ID, Solo Parent ID, PWD’s, at iba pang mahahalagang dokumento upang makatipid sa oras at mas mapabilis ang transaksiyon ng bawat indibidwal.
Patuloy rin ang pagsasagawa ng medical mission sa iba’t ibang barangay, kasabay ng pamamahagi ng ₱2,000 senior citizen allowance, gaya ng isinagawa sa Barangay Mulawin.
Ayon sa lokal na pamahalaan, mahalagang maipabatid sa mga residente ang mga programang pinopondohan ng buwis ng mamamayan upang mas marami ang makinabang sa mga serbisyong ipinagkakaloob ng pamahalaang bayan.
#CaviteConnect

