ILEGAL NA PAGTATAPON NG BASURA AT BUTO NG HAYOP SA MAGALLANES, CAVITE, INIIMBESTIGAHAN; MENRO, NAGBABALA

MAGALLANES, Cavite — Nagbabala ang Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ng Magallanes, Cavite laban sa ilegal na pagtatapon ng basura sa kahabaan ng East-West Road, Barangay San Agustin.

Sa isinagawang monitoring kamakailan, nadiskubre ang mga itinapong dumi ng hayop, kabilang ang balahibo, buto ng hayop at iba pang labi, gayundin ang mga residual waste sa lugar.

Ayon sa tanggapan, paglabag ito sa Municipal Ordinance No. 019, s. 2020 o Anti-Dumping Ordinance ng bayan.

Patuloy ang imbestigasyon at monitoring ng MENRO upang matukoy ang mga responsable sa maling pagtatapon ng basura. Ang mga mapatutunayang lumabag ay maaaring patawan ng kaukulang parusa alinsunod sa umiiral na batas at lokal na ordinansa.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading