MAYOR MATRO: “Ako na mismo Ang pupunta sa inyong Tahanan”
TANZA, CAVITE — Patuloy ang medical mission sa Bayan ng Tanza, Cavite na naglalayong mailapit ang serbisyong pangkalusugan sa mga residente.
Kasabay nito, isinasagawa rin ang pamamahagi ng ₱2,000 senior citizen allowance para sa mga kwalipikadong senior citizen, ayon kay Tanza Mayor SM Matro.
“Halos araw-araw na medical mission SA ating bayan ng Tanza at Kasama na din ang Senior Citizen allowance payout na P2,000, Ako na mismo Ang pupunta sa inyong Tahanan,” pahayag ni Mayor Matro.
Layunin ng mga programang ito na mapalawak ang serbisyong pangkalusugan at masuportahan ang kapakanan ng mga nakatatanda sa bayan.
#CaviteConnect

