MAYOR RANDY SALAMAT, PINURI ANG TESDA BARISTA TRAINEES SA ALFONSO

ALFONSO, CAVITE — Nagpasalamat si Mayor Randy Salamat sa mga Barista NC II trainees ng Alfonso matapos masaksihan ang kanilang final demonstration, kung saan ipinamalas ng mga kalahok ang mga kasanayang natutuhan sa pagsasanay.

Binigyang-diin din ang kuwento ni Noel Oraa, isang dating TESDA barista trainee na nagamit ang kaniyang pagsasanay at sertipikasyon upang makapagtrabaho sa isang cruise line at makatulong sa kaniyang pamilya.

Ayon kay Mayor Salamat, nawa’y magsilbing daan ang training at certification sa mas maraming oportunidad sa trabaho at magandang kinabukasan ng mga trainees.

Binati rin niya ang mga kalahok at hinikayat na pagbutihin ang kanilang paghahanda para sa final assessment.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading