TATLONG KABATAANG BAILEÑO, KAMPEON SA BADMINTON SA SOUTH CAVITE SPORTS UNIT 2026
BAILEN, Cavite — Nagningning ang tatlong kabataang Baileño sa South Cavite Sports Unit 2026 matapos magkampeon sa kani-kanilang kategorya sa badminton.
Nasungkit ni Hazlem Jev Angat, mag-aaral ng Victorious Christian Montessori College–Alfonso, ang kampeonato sa Badminton Singles A, habang nagwagi naman sina Louis Atendido at Yuki Zyke de Padua sa Badminton Doubles.
Ipinagmalaki ng kanilang paaralan at bayan ang tagumpay ng mga atleta, na nagsisilbing inspirasyon sa kabataang patuloy na hinahasa ang kanilang talento sa sports.
Source: Cavite News Network
#CaviteConnect

