RESIDENTE KAY MAYOR MATRO: LUMAPIT KAYO SA MAYOR NATIN, ANG MAYOR NATIN MATULUNGIN SA LAHAT SA ORAS NG PANGANGAILANGAN
TANZA, CAVITE — Ito ang naging pahayag ng isang ina na humingi ng tulong pinansyal kay Mayor SM Matro para sa pagpapagamot ng anak na may brain tumor.
Ayon mismo sa salaysay ng anak, bigla na lamang siyang nag-collapse sa loob ng kanilang banyo noong Hulyo, na nagresulta sa mas malalang kalagayan nito. Aniya, hindi na rin siya nakakapasok sa trabaho dahilan upang lumapit na rin ang kaniyang ina kay Mayor Matro upang humingi ng tulong.
Personal namang binisita ni Mayor Matro ang pamilya sa Barangay Sanja Mayor upang alamin ang kalagayan ng pasyente at matukoy ang maipagkakaloob na tulong pinansyal para sa pagpapagamot nito.
Nagpasalamat din ang alkalde sa mga opisyal ng barangay sa kanilang pakikipagtulungan upang maihatid ang tulong sa residenteng nangangailangan.
#CaviteConnect

