BATAAN-CAVITE INTERLINK BRIDGE, INAASAHANG MAGPAPALAKAS SA KALAKALAN AT EKONOMIYA NG DALAWANG LALAWIGAN

BATAAN-CAVITE — Inaasahang magpapalakas sa kalakalan at aktibidad pang-ekonomiya ng Cavite at Bataan ang planong Bataan-Cavite Interlink Bridge, na magpapabilis sa biyahe at magpapadali sa paggalaw ng mga produkto, manggagawa at negosyo sa magkabilang panig ng Manila Bay.

Ayon sa Asian Development Bank (ADB), posibleng lumago nang hanggang 29.4% ang ekonomiya ng Bataan sa loob ng 10 hanggang 20 taon matapos maitayo ang 32.5-kilometrong tulay, habang mahigit 84,000 trabaho ang maaaring malikha sa lalawigan.

Maaari ring bumaba mula limang oras hanggang 45 minuto ang ilang biyahe sa pagitan ng mga lugar na maaapektuhan ng proyekto. Gayunman, nilinaw ng ADB na mga pagtataya lamang ang mga benepisyong ito at nakadepende ang katuparan ng mga ito sa maayos na pagpaplano at pagpapaunlad ng imprastraktura.

#CaviteConnect

Leave a Reply