ROSARIO, CAVITEÑO COACH JANEL CLAVERIA, KABILANG SA KAMPEON NG KULTURA PILIPINAS SA SINGAPORE

ROSARIO, Cavite — Nagbigay-karangalan sa Pilipinas ang KULTURA PILIPINAS matapos masungkit ang ikaapat na sunod na kampeonato sa 12-under (12U) division ng 15th Asia Pacific Cup Singapore 2026, kasama sa coaching staff si Coach Janel Claveria ng Rosario, Cavite.

Katuwang nina Coach Mark Herrera at Coach Andre Herrera, naging bahagi si Claveria sa paggabay sa koponang nanaig laban sa mga international competitors.

Pinangunahan ni team captain Gelo Uy ang tinaguriang “Magic 9,” na kinabibilangan ng mga JRMPBL standouts na sina Jacob Tan, Chino Tan, Khiefer Manguiat, Miguel Villanueva, Mateo Cabreros, Jamel Gammad, Stephen Macalma at Lucas Tolibas.

Nakilahok sa torneo ang mga koponan mula sa Guam, Singapore, Australia, Thailand, Indonesia, Malaysia, India at Pilipinas.

Muling pinatunayan ng KULTURA PILIPINAS na kayang makipagsabayan ng mga batang atletang Pilipino sa international basketball sa pamamagitan ng disiplina, teamwork at determinasyon.

#CaviteConnect

Leave a Reply