PET CREMATORIUM SA CAVITE, NASASANGKOT SA KONTROBERSIYA SA MGA NATAGPUANG PAT^Y NA HAYOP SA BULACAN

Umani ng mga katanungan ang isang pet crematorium sa Cavite na nabanggit sa kontrobersiya matapos matagpuan ang mga bangkay ng mga aso at pusa sa Bulacan.

Kabilang sa mga alalahanin ng pet owners kung tunay na mula sa kanilang mga alaga ang mga abong ibinalik matapos ang cremation.

Gayunman, hindi pa kumpirmado ang mga alegasyon at kailangan pa ng masusing imbestigasyon.

Pinapayuhan ang mga dating kliyente na itago ang kanilang resibo, cremation certificates at iba pang dokumento, at iulat sa mga awtoridad ang anumang posibleng iregularidad.

Nananawagan ang publiko ng malinaw na imbestigasyon upang matukoy ang katotohanan at matiyak na may mananagot kung mapatutunayang may paglabag.

#CaviteConnect

Leave a Reply