APAT NA SUSPEK SA DROGA, ARESTADO SA CAVITE, P693K HALAGA NG SHABU NASAMSAM
CAVITE — Apat na hinihinalang drug personality, kabilang ang isang babae, ang naaresto sa magkahiwalay na buy-bust operations sa Imus at General Trias noong Oktubre 27.
Tatlong suspek na may alyas na Tropa, Ruby, at Jhon ang nadakip sa Barangay Anabu 2E, Imus City, kung saan nasamsam ang mahigit 52 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱353,668.
Samantala, sa Barangay Navarro, General Trias City, naaresto si alyas Jomer at nakumpiskahan ng tinatayang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ₱340,000.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang mga suspek at nahaharap sa kaukulang kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
#CaviteConnect

