NOOR DE FILIPINAS AT CROWNSPHERE INTELLIGENCE, OPISYAL NANG INILUNSAD SA DASMARIÑAS, CAVITE

DASMARIÑAS CITY, CAVITE — Pormal nang inilunsad ang Noor de Filipinas at CrownSphere Intelligence noong Oktubre 30, 2026, sa Elijah Hotel, Salawag, Dasmariñas City, Cavite.

Layunin ng Noor de Filipinas na isulong ang women empowerment, pangangalaga sa kalikasan at pagpapaunlad ng talento sa pamamagitan ng makabuluhang beauty pageantry.

Samantala, ipinakilala ang CrownSphere Intelligence, isang AI-powered platform na naglalayong gawing mas episyente at makabago ang scoring at tabulation sa mga pageant at iba pang kompetisyon.

Pinangunahan ang paglulunsad nina Jover de la Cruz, Bea Bagac at Rowell Obiña, na naglalayong pagsamahin ang adbokasiya, talento at teknolohiya para sa mas malawak na oportunidad sa Pilipinas at international stage.

Source: Cinema Bravo

#CaviteConnect

Leave a Reply