EDAD NG MGA TATAKBO SA SK ELECTION, PLANONG LIMITAHAN SA 15 HANGGANG 19 ANYOS – SILG REMULLA

Iminungkahi ni DILG Secretary Jonvic Remulla na ibalik sa 15 hanggang 19 taong gulang ang age limit para sa mga tatakbo sa Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Remulla, layunin nitong matiyak na ang mga halal na SK officials ay tunay na kumakatawan sa sektor ng kabataan.

Binigyang-diin din niya na sa kasalukuyang 18 hanggang 29 age bracket, may ilang SK officials na maaari nang may trabaho o sariling pamilya.

Kasabay nito, iminungkahi rin niyang suriin ang fiscal autonomy ng SK upang mapalakas ang kakayahan ng mga kabataang lider sa pamamahala ng pondo ng pamahalaan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading