BM Jasmin Maligaya-Bautista, Naging Tagapagsalita sa Alay Lakad 2026 sa Ternate; Nagpahayag ng Mensahe ng Pagkakaisa Para sa Ikabubuti ng Lahat
TERNATE, Cavite — Nakiisa si Board Member Jasmin Maligaya-Bautista sa isinagawang Alay Lakad 2026 sa Bayan ng Ternate, Cavite, kamakain kung saan nagsilbi siyang tagapagsalita sa aktibidad na may temang “Nagkakaisang Hakbang ng Ternate Para sa Bayan.”
Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Maligaya-Bautista ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtutulungan at sama-samang pagkilos para sa ikabubuti ng komunidad.
Nagpasalamat din siya kina Mayor Lamberto Bambao, Vice Mayor Kim Soberano, mga miyembro ng Sangguniang Bayan at sa buong LGU Ternate sa imbitasyon at pagkakataong makibahagi sa naturang aktibidad.
Ayon kay BM Maligaya-Bautista, sa bawat nagkakaisang hakbang, mas malayo ang maaaring marating ng isang komunidad. #
Photo Credits: BM Jasmin Maligaya-Bautista/Facebook
#CaviteConnect

