MAYOR TED CARRANZA, NAMAHAGI NG TIG-10 KILONG BIGAS SA MGA BENEPISYARYO SA SILANG

SILANG, CAVITE — Namahagi si Silang Mayor Ted Carranza ng tig-10 kilong bigas sa mga benepisyaryo sa ilang barangay ng bayan.

Kabilang sa mga nakatanggap ang mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs), at solo parents sa Barangay Lalaan 1, Toledo, Cabangaan, at Tartaria Buklod Bahayan.

Ayon sa alkalde, layunin ng programa na makapagbigay ng dagdag-tulong at kaunting ginhawa sa mga pamilya, lalo na sa mga sektor na nangangailangan ng suporta. Aniya, magpapatuloy ang pag-abot sa kamay ng mga higit na nangangailangan sa tulong ng lokal na Pamahalaan at ng mamamayan ng Silang. #

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading