MAYOR MATRO, NILIBOT ANG MGA BARANGAY SA DALAMPASIGAN NG TANZA PARA IPAABOT ANG TULONG SA MGA MANGINGISDANG NASIRAAN NG BANGKA
TANZA, Cavite — “Sira na ang bangka, lumabas pa ‘yan para lang makapaghanapbuhay,”
Ito ang naging reaksyon ni Mayor Matro nang kanyang masipat ang kalagayan ng mga mangingisda sa bayan ng Tanza na sira-sira na ang kanilang mga bangka ngunit gumagawa ng paraan para lang makapagpalaot at makapagbigay suporta sa kani-kanilang pamilya.
Personal na nilibot ni Mayor SM Matro ang mga barangay sa dalampasigan ng Tanza upang ipaabot ang tulong pinansyal sa mga mangingisdang nangangailangan ng suporta para sa pagkukumpuni ng kanilang mga bangka.
Kabilang sa mga lugar na kanyang pinuntahan ang mga barangay mula Julugan 8 hanggang Julugan 3, kung saan naapektuhan ang kabuhayan ng ilang mangingisda dahil sa pagkasira ng kanilang mga bangka.
Layunin ng programa na makatulong sa mga benepisyaryo na maayos ang kanilang mga bangka at muling makapaghanapbuhay sa pamamagitan ng pangingisda.
Nagpasalamat naman ang lokal na pamahalaan sa mga taxpayers na patuloy na nakikiambag sa mga programang nakalaan para sa mga residente.
#CaviteConnect

