BSKE 2026, POSIBLENG HINDI NA MAISAGAWA SA NOBYEMBRE KUNG MAGLABAS NG TRO ANG KORTE SUPREMA

MANILA — Maaaring hindi na maisagawa sa Nobyembre ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) kung maglalabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) laban sa batas na nagpaliban sa halalan.

Ayon kay Commission on Elections Chairman George Garcia, natigil na ang election preparations matapos maging batas ang Republic Act No. 12326, na nagtakda ng susunod na BSKE sa Nobyembre 2028.

Sinabi ni Garcia na kung kakailanganing ituloy ang halalan, kailangan pang magsagawa ang Comelec ng ilang hakbang, kabilang ang pag-isyu ng bagong resolusyon, information campaign, at paghahanda at pamamahagi ng election paraphernalia.

Maaari umanong abutin ng hanggang dalawang linggo ang naturang proseso, na maaaring makaapekto sa pagsasagawa ng halalan sa itinakdang panahon.

Patuloy namang nakaantabay ang Comelec sa magiging aksyon ng Korte Suprema sa petisyong kumukuwestiyon sa pagpapaliban ng BSKE.

#PilipinasConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading