MAYOR MATRO, PINAKYAW ANG PANINDANG TURON AT MARUYA NG MGA BATANG TINDERA SA TANZA

TANZA, Cavite — Inspirasyon na maituturing ni Mayor SM Matro ang ganitong gawain ng ilang batang Tanzeño na masipag at matiyagang nagtitinda sa lansangan.

Sa halip na dumaan lamang, nakipagkuwentuhan at bumili ng panindang turon at maruya si Mayor Matro mula sa dalawang batang nagtitinda ng merienda.

Aniya, nagtitinda ng merienda ang mga bata tuwing pagkatapos ng kanilang klase sa hapon para may pang-baon sila kinabukasan.

Ayon kay Mayor Matro, napansin niya ang pagiging masipag at responsable ng mga bata na nagtitinda upang makatulong sa kanilang pamilya at pang-araw-araw na pangangailangan.

Tila nasurpresa ang alkalde dahil kanilang napag-alaman na isa sa mga batang nagtitinda ng meryenda ay anak ng isang ina na kanilang natulungan din.

Binigyang-diin ni Mayor Matro na ang ganitong kasipagan ng mga bata ay isang katangiang kaniyang hinahangaan sa mga kabataang Tanzеño na sa kanilang pagtanda ay gamitin nila itong inspirasyon sa kanilang buhay tungo sa pagtahak sa mas positibo at mas maayos nilang kinabukasan.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading