DALAWANG GUSALI SA 4PH HOUSING PROJECT SA DASMARIÑAS, NAKUMPLETO NA ANG STRUCTURAL CONSTRUCTION; HIGIT 4,000 CONDO UNITS, ITATATYO

DASMARIÑAS CITY, Cavite — Nakumpleto na ang structural construction ng dalawang gusaling tirahan sa JAB Residences sa ilalim ng Expanded Pabahay para sa Pamilyang Pilipino (4PH) program ng pamahalaan.

Pinangunahan ng DHSUD at Pag-IBIG Fund ang topping-off ceremony noong Oktubre 1.

Binubuo ang proyekto ng 17 gusaling tig-limang palapag, na may 27-square-meter na unit na nagkakahalaga ng ₱1.5 milyon.

Inaasahang makapagbibigay ang proyekto ng hindi bababa sa 4,000 condominium-type housing units para sa mga pamilyang Pilipino.

Source: PIA CALABARZON

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading