PET BLESSING, ISINAGAWA SA GENERAL TRIAS PARA SA KAPISTAHAN NI ST. FRANCIS
GENERAL TRIAS, CAVITE — Hindi lamang mga tao at sasakyan ang binabasbasan sa Simbahang Katolika; maging mga alagang hayop ay isinasama rin sa panalangin bilang bahagi ng paggunita sa kapistahan ni St. Francis of Assisi, patron saint ng mga hayop at kalikasan.

Isinagawa ang pet blessing sa Annunciation Parish sa Pasong Camachile 1 noong Sabado, Oktubre 3, bisperas ng Feast of St. Francis of Assisi.
Pinangunahan ni Rev. Fr. Randel Marero ang pagbabasbas sa mga alagang hayop na dinala ng kanilang mga amo bilang pagpapakita ng pagmamahal, pagkalinga at pasasalamat.
Ang tradisyon ay nagsisilbing paalala sa mga deboto na pangalagaan at tratuhin nang may malasakit ang mga hayop na itinuturing ng maraming pamilya bilang bahagi ng kanilang tahanan.
Photo credits: Dennis Abrina
#CaviteConnect

