ES RALPH RECTO: PAGTATANIM NG PUNO, CLEAN ENERGY, POSIBLENG PAGKAKITAAN SA BAGONG CARBON MARKET
Posibleng pagkakitaan ng mga Pilipino ang pagtatanim at pangangalaga ng mga puno, paggamit ng malinis na enerhiya, at iba pang proyektong pangkalikasan sa ilalim ng bagong carbon market policy ng pamahalaan.
Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layunin ng Executive Order No. 127 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Oktubre 13 na gawing nabibiling carbon credits ang mga beripikadong pagbawas sa greenhouse gas emissions.
Kailangang sumunod sa pamantayan ng pamahalaan at dumaan sa beripikasyon ang mga proyektong kuwalipikado sa carbon credits. Inaasahang makalilikha rin ang programa ng trabaho at oportunidad sa renewable energy at sustainable agriculture.
Bubuo ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga panuntunan at pambansang rehistro upang masubaybayan ang carbon credits at maiwasan ang iregularidad. Nilinaw na hindi nagpapataw ng bagong carbon tax ang kautusan.
Samantala, pinalalawak ng DENR ang pagpapatrolya at pagtatanim ng puno sa mga watershed upang mapangalagaan ang suplay ng tubig at makatulong sa paghahanda sa posibleng matinding El Niño na maaaring tumagal hanggang 2027.
#PilipinasConnect

