BM JASMIN MALIGAYA-BAUTISTA, NAKIISA SA CAVITE SERVICE CARAVAN SA MARAGONDON
MARAGONDON, Cavite — Nakiisa si 8th District Board Member Jasmin Maligaya-Bautista sa Cavite Service Caravan na ginanap sa Maragondon Municipal Plaza noong Oktubre 13, 2026, upang ilapit sa mga residente ang mga programa at serbisyo ng pamahalaang panlalawigan.
Pinangunahan ang inisyatibo ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite sa pangunguna nina Governor Abeng Remulla at Vice Governor Ram Revilla Bautista, kasama si Acting Municipal Mayor Miguel Arca at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Maragondon.
Ayon kay Maligaya-Bautista, mahalagang direktang mailapit sa mga komunidad ang mga serbisyo ng pamahalaan upang mas madaling mapakinabangan ng mga Caviteño.
Binigyang-diin niya na ang tunay na serbisyo publiko ay hindi lamang naghihintay na lapitan, kundi kusang lumalapit sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong.
#CaviteConnect

