HEAT INDEX SA NAIC, SUMIPA SA 47°C; PUBLIKO PINAG-IINGAT SA PATULOY NA MATINDING INIT NG PANAHON
NAIC, Cavite — Sumipa sa 47°C ang heat index o damang init sa Naic bandang alas-2 ng hapon noong Martes, Oktubre 20, ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Naitala ang 42.33°C bandang alas-9 ng umaga at 44.63°C pagsapit ng alas-5 ng hapon.
Nagbabala ang MDRRMO na maaaring magdulot ang matinding init ng heat cramps, heat exhaustion at heat stroke.
Pinayuhan ang publiko na uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw upang makaiwas sa mga sakit na dulot ng matinding init bunsod ng umiiral na super El Niño.
#CaviteConnect

