MAYOR MAGBITANG, PERSONAL NA NAKIPAGPULONG SA DEPED PARA SA EDUKASYON NG MGA KABATAANG NAICQUEÑO
Personal na nagtungo si Naic Mayor Rommel Magbitang sa Department of Education (DepEd) para sa paglagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) na naglalayong patatagin ang mga programa at inisyatiba para sa edukasyon ng mga kabataang Naicqueño.
Inaasahang magsisilbing hakbang ang kasunduan upang higit na mapalakas ang pagtutulungan ng lokal na pamahalaan at ng DepEd sa pagpapaunlad ng mga programang pang-edukasyon para sa mga mag-aaral sa bayan ng Naic, Cavite.
Layunin ng naturang inisyatiba na patuloy na suportahan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at palawakin ang mga oportunidad para sa mas maayos na edukasyon ng kabataang Naicqueño.
#CaviteConnect

