CAVITE ART FAIR 2026, BINUKSAN SA KAPITOLYO; LIKHANG-SINING NG MGA CAVITEÑO, ITINAMPOK

TRECE MARTIRES CITY, Cavite — Binuksan ang ikalawang taon ng Cavite Art Fair noong Martes, Oktubre 20 sa New Provincial Government Center sa Trece Martires City, Cavite, tampok ang mga likhang-sining ng mga lokal na artist hanggang Oktubre 22.

Pinangunahan ng pamahalaang panlalawigan sa ilalim ni Governor Abeng Remulla ang aktibidad katuwang ang National Commission for Culture and the Arts at Alitaptap Artists Community.

Binigyang-diin ni Vice Governor Ram Revilla Bautista ang pagsuporta sa mga lokal na artist at pagtataguyod ng kulturang Caviteño.

Layunin din ng fair na palawakin ang oportunidad para sa mga artist at maliliit na negosyo na maipakita at maibenta ang kanilang mga likha at produkto.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading