OCD AT PCG, NAKA-ALERTO SA PAGPASOK NG SUPER TYPHOON ROSAL
Nakaalerto ang Office of Civil Defense (OCD) at Philippine Coast Guard (PCG) matapos pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Rosal ngayong Martes, Oktubre 20.
Inatasan ng OCD ang mga disaster council na maghanda ng emergency supplies at tauhan, habang inactivate naman ng PCG ang 24/7 response teams para sa posibleng rescue at relief operations.
Ayon sa PAGASA, may lakas na 185 kph at pagbugsong hanggang 230 kph ang bagyong #RosalPH. Bagama’t hindi inaasahang magla-landfall, maaari itong magdulot ng malalakas na hangin at matinding pag-ulan.
#CaviteConnect

