REP. RYAN RECTO, CO-AUTHOR NG RA 12321 NA LAYONG ILAPIT ANG PAARALAN SA MGA BATANG NAGLALAKAD NG MILYA-MILYA SA MGA LIBLIB NA LUGAR
Isinusulong ni Lipa City Rep. Ryan Recto, isa sa mga pangunahing co-author ng Republic Act No. 12321 o Last Mile and GIDA Schools Act, ang pagpapalawak ng access sa edukasyon para sa mga batang nasa liblib at mahirap marating na komunidad.
Layunin ng batas na tugunan ang kakulangan sa mga paaralan, pasilidad at iba pang pangangailangang pang-edukasyon sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA).
Sa ilalim ng panukala, layuning mabawasan ang mga pagkakataong kailangang maglakad nang malayo o tumawid ng ilog at bundok ang mga bata para lamang makapasok sa paaralan.
Binigyang-diin ni Recto na hindi dapat maging hadlang ang layo at hirap ng biyahe upang makamit ng bawat batang Pilipino ang ligtas at de-kalidad na edukasyon.
#CaviteConnect

