MALACAÑANG, HINIKAYAT ANG PAG-IIMBAK NG TUBIG SA GITNA NG SUPER TYPHOON ROSAL

Hinikayat ng Malacañang ang mga residenteng maaapektuhan ng Super Typhoon Rosal na mag-imbak ng tubig-ulan upang makatulong na maibsan ang epekto ng El Niño.

Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, maaari itong makatulong sa mga lugar na nakararanas ng tagtuyot, ngunit umaasa siyang hindi magiging labis ang lakas ng ulan upang maiwasan ang panganib.

“So, since kung ang lugar ninyo ay magkakaroon ng malakas na pag-ulan, tamang-tama baka mayroon kayong pagkakataon na mag-ipon ng tubig kung kayo ay nakakaranas ngayon ng tagtuyot sa inyong lugar,” pahayag ni Castro SA press briefing nitong Miyerkules, Okt. 21.

Tiniyak din niyang nakahanda ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan sa posibleng epekto ng bagyo. Itinaas na ng PAGASA sa Signal No. 2 ang Batanes, na inaasahang makakaranas ng malakas hanggang matinding pag-ulan.

#PilipinasConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading