MAGKAPATID SA BACOOR, KAPWA GOLD MEDALIST SA CALABARZON TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

BACOOR CITY, CAVITE — Kapwa nag-uwi ng gintong medalya ang magkapatid na sina Enzo Stephen Medina, 10, at Ma. Gabriela Ava Medina, 9, sa 2026 Smart/MVPSF Calabarzon Taekwondo CPJ Championships – Kyorugi na ginanap sa Laguna Sports Complex, Santa Cruz, Laguna.

Nagkampeon si Enzo sa Grade School Advance Male Division, habang nasungkit naman ni Ava ang gold medal sa Grade School Novice Female Division.

Kapwa nag-aaral sa Ligas 2 Elementary School at residente ng Barangay Ligas 1, Bacoor City, ang magkapatid.

Ayon sa kanilang pamilya, bunga ng kanilang masipag na pagsasanay, disiplina, at determinasyon ang kanilang tagumpay. Mayroon nang pitong gold medal si Enzo at limang gold medal si Ava sa iba’t ibang kompetisyon.

Patuloy naman silang sinusuportahan ng kanilang mga magulang sa pagsabay ng pag-aaral at pagsasanay upang mas mapaunlad ang kanilang talento sa taekwondo.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading