SOLAR PANEL, IKINABIT NA SA RHU MAIN BUILDING NG SILANG PARA SA MAS MAAYOS NA SERBISYONG PANGKALUSUGAN
SILANG, Cavite— Isinasagawa ang pagkakabit ng solar panel system sa Rural Health Unit (RHU) Main Building ng Silang upang mapahusay ang paggamit ng enerhiya at maisulong ang mas episyenteng operasyon ng pasilidad pangkalusugan.
Sa ilalim ng pamumuno ni Mayor Gen. Ted Carranza, bahagi ang proyekto ng mga hakbang ng lokal na pamahalaan upang gawing mas moderno at sustainable ang mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan para sa mga Silangueño.
Inaasahang makatutulong ang solar energy sa pagtitipid sa konsumo ng kuryente at pagsuporta sa tuloy-tuloy na paghahatid ng serbisyong medikal sa mga residente.
#CaviteConnect

