KATAWAN NG NAWAWALANG MANGINGISDA, NATAGPUAN SA KARAGATAN NG CORREGIDOR

CAVITE CITY — Natagpuang palutang-lutang ang katawan ng isang mangingisda matapos ang halos isang linggong paghahanap mula nang mahulog sa sinasakyang bangka sa karagatan ng Corregidor.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang katawan noong Oktubre 1, bandang alas-11 ng umaga. Kinilala ang biktima bilang si alyas Raymond, nasa hustong gulang.

Batay sa imbestigasyon, nahulog siya sa dagat habang kasama ang kanyang kapatid na patungo sa pantalan upang magbenta ng kanilang nahuling isda.

Sinubukan siyang iligtas ngunit hindi na natagpuan.Nagsagawa ng search and rescue operation ang mga awtoridad, ngunit hindi agad nakita ang biktima.

Source: Philstar

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading