MAYOR MATRO: WALANG PUWANG ANG MASUNGIT NA EMPLEYADO SA PAMAHALAANG BAYAN NG TANZA
TANZA, CAVITE — Pinuna ni Mayor Archangelo “SM” Matro ang umano’y hindi maayos na pakikitungo ng isang health worker sa isang residente sa bayan ng Tanza.
Humarap kay Mayor Matro ang complainant at ang empleyadong inirereklamo.
Agad namang naayos ang hindi pagkakaunawaan ng magkabilang panig.
Iginiit ni Mayor Matro na walang puwang sa serbisyo publiko ang pagiging masungit ng mga empleyado ng gobyerno sa mamamayan na pinaglilingkuran.
Binigyang-diin ng alkalde na ang mga empleyado ng pamahalaan ay may tungkuling maglingkod nang maayos, lalo na sa mga pasyenteng umaasa sa libreng serbisyong pangkalusugan.
“Ang ating posisyon ay hindi pribilehiyo kundi isang sakripisyo,” diin ni Matro.
#CaviteConnect

