ACTING MAYOR MIGUEL ARCA, DUMALO SA 36TH COMMENCEMENT EXERCISES NG PUP-MARAGONDON

MARAGONDON, Cavite — Dumalo si Acting Mayor Miguel Arca sa ika-36 na Commencement Exercises ng Polytechnic University of the Philippines (PUP)–Maragondon upang makibahagi sa pagdiriwang ng pagtatapos ng mga mag-aaral.

Ipinahayag ni Arca ang kanyang kasiyahan sa pagsaksi sa bunga ng pagsisikap, sakripisyo at determinasyon ng mga nagsipagtapos.

Binigyang-diin din niya na ang pagtatapos ay hindi lamang tagumpay ng mga mag-aaral, kundi maging ng kanilang mga pamilya, guro at ng pamayanang sumuporta sa kanilang paglalakbay.

Binati naman ng acting mayor ang mga bagong graduate at hinikayat silang ipagpatuloy ang pag-abot sa kanilang mga pangarap at maging inspirasyon sa susunod na henerasyon.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading