MAYOR MATRO, HINARAP ANG MGA MAGULANG AT KABATAANG SANGKOT SA PAMBU-BULLY SA TANZA; MGA MAGULANG, PINAYUHANG HUWAG KUNSINTIHIN ANG MGA ANAK SA NAGAWANG MALI

TANZA, CAVITE — Viral ngayon ang isang video nang naganap na pambubully sa isang batang lalaki na pinagtulungan ng sampung kabataan at sinaksak pa ang biktima kamakailan.

Agad na umaksyon si Mayor SM Matro matapos ang insidente ng pambubugbog at pananaksak sa isang kabataan na umano’y ginawa ng isang grupo sa Barangay Bagtas, Tanza.

Ipinatawag ng alkalde ang mga kabataang menor de edad na sangkot, kasama ang kanilang mga magulang, upang mapag-usapan ang insidente at ang pananagutan sa nangyari.

Nagtamo ng sugat ang batang biktima sa bahagi ng kanyang mukha na nag resulta sa pagkakatahi nito.

“Napaka walang-hiya niyong magulang sa totoo lang ‘pag kayo nagkunsinti ng anak niyo na gumawa ng mali,” pahayag ni Mayor Matro sa harap ng mga sangkot at biktima ng naturang insidente.

Binigyang-diin ng lokal na pamahalaan na hindi kukunsintihin ang pambubully at iba pang karahasan sa mga kabataan. Patuloy namang tututukan ang insidente upang matiyak ang angkop na aksyon at maiwasan ang pag-uulit nito.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading