CONVERGE, PLANONG MAGTAYO NG ₱50.4-B DATA CENTER SA CAVITE O LAGUNA
Pinag-aaralan ng Converge ICT Solutions Inc. ang pagtatayo ng dalawang data center sa Cavite o Laguna upang matugunan ang lumalaking pangangailangan sa artificial intelligence (AI) at digital services.
Ayon kay Converge CEO Dennis Anthony Uy, posibleng magkaroon ng kapasidad na hanggang 80 megawatts (MW) ang bawat pasilidad, na tinatayang nagkakahalaga ng US$800 milyon o ₱50.4 bilyon bawat isa.
Nasa planning stage pa lamang ang proyekto at wala pang itinakdang petsa para sa pagsisimula ng konstruksyon.
Sa kasalukuyan, nagpapatakbo ang kumpanya ng dalawang data center sa Caloocan at Pampanga na may pinagsamang kapasidad na 15 MW.
#CaviteConnect

