KILALA MO BA? Isa o Dalawang Mayor sa Cavite, Maaaring Mapaalis sa pwesto, ayon SA Ombudsman

Nagbabala si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla na posibleng tanggalin sa puwesto ang isa o dalawang mayor sa Cavite dahil sa umano’y korapsyon, pang-aabuso sa kapangyarihan at paghadlang sa operasyon ng mga negosyo.

Ayon kay Remulla, kikilos ang kanyang tanggapan laban sa mga opisyal na umano’y nanghihingi ng pera sa mga negosyante at nagpapaantala sa pagproseso ng mga permit.

Gayunman, hindi pinangalanan ng Ombudsman ang mga mayor na tinutukoy at wala pang ibinigay na karagdagang detalye tungkol sa mga alegasyon.

Kilala mo ba kung sinong Alkalde ito?

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading