KALYE SERYE NI MAYOR MATRO, PATULOY NA INILALAPIT ANG SERBISYO PARA SA MGA TANZEÑO
Patuloy ang programang “Kalye Serye” ni Tanza Mayor SM Matro na naglalayong ilapit ang mga serbisyo ng pamahalaang lokal sa iba’t ibang barangay ng bayan.
Sa temang “Opisina ay Lansangan, Barkada ng Mamamayan” kung saan mismo si Mayor Matro ang nakikipag-ugnayan sa mamamayan ng Tanza.
Hatid ng programa ang isang buong araw ng serbisyo at malasakit ng pamahalaan sa komunidad upang mas madaling maiparating ang kanilang mga pangangailangan. #
#CaviteConnect

