BM JASMIN MALIGAYA-BAUTISTA, NAKIISA SA PAGTALAKAY SA PANUKALANG 2027 BUDGET NG PANLALAWIGAN NG CAVITE
CAVITE — Nakibahagi si Board Member Jasmin Maligaya-Bautista sa pagdinig ng Sangguniang Panlalawigan ng Cavite kaugnay ng Proposed 2027 Local Expenditure Program noong Oktubre 27, 2026.
Sa pangunguna nina Governor Abeng Remulla at Vice Governor Ram Revilla Bautista, kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan at mga department head, sinuri at tinalakay ang panukalang badyet para sa 2027.
Layunin ng pagdinig na matiyak na ang paglalaan ng pondo ay naaayon sa pangangailangan ng mga Caviteño at susuporta sa mga programa, proyekto at serbisyong ipatutupad ng pamahalaang panlalawigan.
#CaviteConnect

