BANGKAY NG LALAKI, NATAGPUAN SA MADAMONG LUGAR SA INDANG; PULISYA NAG-IIMBESTIGA

INDANG, CAVITE — Iniimbestigahan ng Cavite police ang pagkamatay ng isang hindi pa nakikilalang lalaki na natagpuan sa madamong bahagi ng East West Road, Barangay Buna Lejos 1, noong Huwebes ng umaga.

Tinatayang nasa 35-anyos ang biktima at nakasuot ng maroon shorts at dry-fit jersey. May duct tape na nakabalot sa kanyang mukha at mga kamay, habang may nakitang bakas ng dugo sa kanyang sentido.

Ayon sa pulisya, natagpuan ang lalaki bandang alas-6:00 ng umaga ng isang residente na agad nag-ulat sa mga awtoridad.

Inaalam pa kung saan at paano nangyari ang insidente, gayundin ang pagkakakilanlan ng biktima at mga posibleng sangkot.

Source: Cavite Press Corps

#CaviteConnect

Leave a Reply