Indang LGU, Kinilala bilang Top LGU Exemplar at Top Performer for Most Significant Change sa Region IV-A

INDANG, CAVITE — Tumanggap ng dalawang pagkilala ang Pamahalaang Bayan ng Indang sa DILG SubayBAYANI Awards 2026 bilang pagkilala sa mahusay na pamamahala at positibong epekto ng mga proyektong pang-imprastraktura sa komunidad.

Kinilala ang Indang bilang Top LGU Exemplar sa Region IV-A at Top Performer for Most Significant Change (MSC).

Ginawaran din bilang Top Performer MLGOO si Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) Anne Kimberly P. Babaan dahil sa kanyang paggabay at suporta sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng lokal na pamahalaan.

Ayon sa pamahalaang bayan, bunga ang mga parangal ng pagtutulungan at pagsisikap ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Virgilio “Vergel” F. Fidel na maisakatuparan ang mga proyektong tumutugon sa pangangailangan ng mga Indangeño.

#CaviteConnect

Leave a Reply