Umulan o Umaraw, Serbisyo ni Mayor Matro, Tuloy-tuloy sa Tanzeño
Tuloy-tuloy ang paghahatid ng tulong ng Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Mayor SM Matro para sa mga residente ng Barangay Biga.
Katuwang ang mga opisyal ng barangay, HOA officers, at mga volunteer, naipamahagi ang tulong bilang bahagi ng programa ng serbisyo at malasakit sa mamamayan.
Nagpasalamat naman ang pamunuan sa mga taxpayers na patuloy na nagbibigay-suporta upang maisakatuparan ang mga ganitong programa.

