HABAGAT SA PILIPINAS: KAILAN DUMADATING AT NATATAPOS?
Halos buong Agosto ay nakaranas tayo ng tuloy-tuloy na ulan dulot ng Habagat, kahit may mga bagyong hindi naman nag-landfall sa bansa.
Ayon sa DOST-PAGASA, ang Habagat o Southwest Monsoon ay mainit at mahalumigmig na hanging nagmumula sa timog-kanlurang Asya na nagdadala ng malalakas na pag-ulan, lalo na sa kanlurang bahagi ng Pilipinas.
Karaniwang nagsisimula ito sa Hunyo at tumatagal hanggang Setyembre o Oktubre, at mas lumalakas kapag may bagyo sa silangang bahagi ng bansa.
Dahil dito, madalas magdulot ang Habagat ng pagbaha at pagguho ng lupa, na mas pinalalala pa ng epekto ng climate change. Patuloy naman ang paalala sa publiko na maging alerto sa mga abiso ng panahon. #

