MAYOR MATRO, MAMAMAHAGI NG ₱1,000 ALLOWANCE SA MGA MAG-AARAL MULA DAYCARE HANGGANG GRADE 10 SA BARANGAY SANTOL, TANZA
TANZA, Cavite — Nakatakdang makatanggap ng ₱1,000 allowance ang mga mag-aaral mula daycare hanggang Grade 10, kapwa sa pampubliko at pribadong paaralan sa Barangay Santol, bilang bahagi ng programang pang-edukasyon na inilunsad sa pamumuno ni Mayor SM Matro.
Nagpasalamat si Mayor Matro sa buong pamunuan at mga kagawas ng Barangay Santol at sa Sangguniang Kabataan (SK) sa pagsuporta sa programa.
Binigyang-diin din ng alkalde na hindi ito utang na loob kundi bahagi ng kanilang tungkuling maglingkod at maghatid ng libreng serbisyo sa mga mamamayan ng Tanza.
Nagpasalamat din ang alkalde sa mga taxpayer na nag-aambag sa pondong ginagamit para sa mga programang tulad nito.
#CaviteConnect

