TAGAYTAY TOURIST ICONIC TOWER, UNTI-UNTI NANG NAITATAYO; PINAKAMATAAS NA ESTRUKTURA SA CAVITE

TAGAYTAY CITY, Cavite — Patuloy ang pagtatayo ng Tagaytay Tourist Iconic Tower malapit sa Sky Ranch, na inaasahang magiging pinakamataas na estruktura sa lalawigan ng Cavite.

Kapag natapos, inaasahang magkakaroon ito ng 360-degree observation deck na magbibigay ng malawak na tanawin ng Taal Lake at Taal Volcano, gayundin ng mga kainan, tindahan at commercial spaces.

Mahigit ₱1 bilyon ang inilaan para sa iba’t ibang yugto ng proyekto, kabilang ang Phase 15 sa ilalim ng 2026 infrastructure program.

Gayunman, hindi pa opisyal na inilalabas ang kabuuang bilang ng palapag at target na petsa ng pagkumpleto ng tore.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading