PHILHEALTH COVERAGE PARA SA POSTPARTUM DEPRESSION AT IBA PANG SULIRANING PANGKAISIPAN NG MGA INA, ISINUSULONG

Isinusulong ng isang kongresista ang mandatory PhilHealth coverage para sa screening, diagnosis at paggamot sa mga suliraning pangkaisipan ng mga inang kapapanganak pa lamang.

Sa ilalim ng House Bill No. 8617, sakop nito ang pagkakaroon ng partikular na benefit package ang PhilHealth para sa postpartum blues, depression at psychosis.

Ayon sa mambabatas, hindi dapat balewalain ang postpartum depression, anxiety at stress, at hindi dapat harapin ng mga ina nang mag-isa ang mga hamong ito.

Iminungkahi rin ang pambansang kampanya ng Department of Health (DOH) at PhilHealth upang palawakin ang kaalaman tungkol sa postpartum mental health at mga serbisyong maaaring lapitan ng mga ina.

Batay sa mga pag-aaral, hindi bababa sa tatlo sa bawat limang buntis o bagong panganak ang nakaranas ng sintomas ng postpartum depression at iba pa.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading