GRANBY COLLEGES SA NAIC, TOP 5 SA CRIMINOLOGIST EXAM; 39 SA 42 EXAMINEES PUMASA

Nagpakitang-gilas ang Granby Colleges of Science and Technology matapos makapagtala ng Top 5 sa Category D sa August 2026 Licensure Examination for Criminologists.

Sa kabuuang 42 examinees, 39 ang pumasa, katumbas ng 92.86% passing rate. Patunay ng mataas na kalidad ng edukasyon ng kanilang College of Criminal Justice Education (CCJE).

Ayon sa pamunuan, bunga ang tagumpay ng sipag, tiyaga, at dedikasyon ng mga mag-aaral. Ipinagmalaki rin ng paaralan ang kanilang Top 5 placer na nagbigay karangalan hindi lamang sa institusyon kundi sa buong komunidad ng Naic.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading