Power Interruption sa Ilang Bahagi ng Cavite, naka-iskedyul ngayong Setyembre 11 at 12, ayon sa Meralco
Magkakaroon ng pansamantalang pagkawala ng kuryente sa ilang bahagi ng Cavite ngayong Setyembre dahil sa maintenance works ng Manila Electric Company (Meralco).
Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng Dasmariñas City sa Setyembre 10, habang apektado rin ang Tanza, General Trias City at Imus City mula Setyembre 11 hanggang 12 dahil sa installation, pagpapalit ng poste, at relokasyon ng electrical facilities.
Pinapayuhan ang publiko na maghanda sa nakaiskedyul na power interruption upang maiwasan ang abala.
#CaviteConnect

