Mayor Matro, Walang Di kayang Suungin, Maipaabot lang ang Tulong sa Bawat Tanzeño na Nangangailangan

Hindi inalintana ni Mayor SM Matro ang anumang pagsubok upang maihatid ang tulong sa mga residenteng naapektuhan ng kalamidad sa Tanza kung saan ay personal na nagtungo ang alkalde sa Brgy. Amaya 7 at Amaya Dos upang pangunahan ang pamamahagi ng cash aid sa mga pamilyang nasalanta ng habagat.

Ayon sa alkalde, handa ang pamahalaang lokal na tawirin ang anumang hamon upang matiyak na maaabot ang bawat Tanzeño na nangangailangan. Kabilang ang nasa baybaying dagat, mga liblib na lugar sa Tanza kung saan nasira ang mga kabahayan at hanapbuhay ng ilang residente.

“Lahat ay kaya nating tawirin, dahil lahat dapat ay abot natin,” pahayag ni Mayor Matro sa kanyang Facebook post.

Patuloy naman ang panawagan ng lokal na pamahalaan sa pagkakaisa at pagtutulungan upang mas mabilis na makabangon ang mga apektadong komunidad.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading