Ground Breaking ng Pedestrian Overpass sa Brgy. Puting Kahoy, Silang; Pinasinayaan
Isinagawa ang ground breaking ceremony para sa itatayong pedestrian overpass sa Barangay Puting Kahoy na layuning mas mapabuti ang kaligtasan ng mga pedestrian at estudyante sa lugar.
Pinangunahan ni Mayor Gen. Ted Carranza ang aktibidad, kasama si Congressman Roy M. Loyola at mga lokal na opisyal.
Ayon kay Mayor Carranza, malaking tulong ang proyekto upang masiguro ang kaligtasan ng mga tumatawid, lalo na ang mga estudyante ng Adventist University of the Philippines (AUP).
Inaasahang magbibigay ito ng mas ligtas at maayos na tawiran sa isa sa mga mataong bahagi ng bayan.
#CaviteConnect

